CHAPTER 35: SHADOW [2]

2593 Words

Nang makalayo sina Li Muen, Shadow, at Lily sa kanilang kinaroroonan kanina kung saan naganap ang laban ay kaagad naman na nameywangan si Li Muen at taas kilay nitong hinarap si Shadow. Samantala, wala pa ring malay hanggang ngayon si Lily. “Ngayon mo sabihin sa akin, bakit ka nandirito?” taas kilay na tanong ni Li Muen. Napangiwi naman si Shadow sa tono ng tanong ni Li Muen na wari mo ay hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. “Napag-utusan lang ako, Miss Muen—” “Xine, tawagin mo akong Xine kung nasa ganito akong kasuotan. Hindi mo ba nakikita na nakapanalalaki ako ngayon ha? Hindi ako young miss ngayon, Shadow. Isa akong young master ngayon kaya tawagin mo akong Xine o young master Xine. Bahala ka kung ano ang gusto mo,” kaagad na pagpuputol ni Li Muen sa sasabihin ni Shadow.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD