Nang matapos na kumain si Li Muen at Lily ay kaagad naman na inilabas ni Li Muen ang kaniyang hammock. Ito ay ang klase ng duyan na tinatali sa magkabilang puno upang maging higaan. Ito ay karaniwang ginagamit ni Li Muen at Li Xie kapag sila ay nasa isang misyon. “saan galing iyan?” takang tanong ni Lily. ‘Minsan nagtataka na ako sa lalaking ito. Bigla bigla na lamang nagkakaroon ng gamit na hawak e wala naman siyang lalagyan kaninang hawak,’ sambit ni Lily sa kaniyang isipan. Napakunot din naman ang noo ni Shadow nang makita niya ang biglang paglitaw ng gamit na hawak hawak ni Li Muen ngayon. ‘May dimensional pouch ba siya?’ tanong ni Shadow sa kaniyang isipan. ‘Ngunit imposible. Ang mga royalties lamang ang mayroon nito,’ dagdag naman niya at pilit na pinapaintindi sa kaniyang sar