Lumipas ang tatlong araw matapos niyang manghingi ng pabor sa kaniyang ama at ina ay nagpasya si Li Muen na magtungo sa kanilang silid aklatan. Hindi mahilig si Li Muen na magbasa ng libro hindi kagaya ng kaniyang mga kapatid at mga pinsan. Alam din ito ng lahat ng tao sa mansyon na hindi siya pala basang tao kaya naman nang magyaya si Li Muen ay laking gulat ito ni Zhuen.
"Miss..." Hindi makapaniwalang pagtawag ni Zhuen kay Li Muen.
Mahina namang natawa si Li Muen sa naging reaksyon ni Zhuen. Alam man niya na ito ang magiging reaksyon ng kanyang taga-sunod ay hindi pa rin naiwasan ni Li Muen ang matawa. Hindi niya akalain na ganito ka-kakaiba ang pagyayaya niya sa silid aklatan.
Oh goodness, kung binago mo man po ang aking young miss pakiusap huwag nyo na po siyang ibalik sa dati.
Sambit ni Zhuen sa kanyang isipan. Hindi man niya alam kung anong nakain ni Li Muen o kung ano talaga ang nangyari sa kanya habang nag aagaw buhay siya ay pinagpapasalamat niya na nagkaroon na nang hilig sa pagbabasa ang kanyang pinaglilingkuran. Alam ni Zhuen na kaya hindi mahilig sa pagbabasa si Li Muen ay ito ay dahil sa impluwensya ng Second Miss at ngayon na nagbago na ang kaniyang Miss ay hindi na siya makapag-hintay pa na lumaban ang kaniyang Miss sa karapatan na dapat ay sa kanya.
"Zhuen, alam ko na nagulat ka pero hindi naman ata tama na ganyang pagkagulat ang ibigay mo." Natatawa pa ring sambit ni Li Muen at may halong pang-aasar sa boses ng dalaga.
Napayuko naman si Zhuen sa hiya dahil sa kanyang inasal. "Pasensya na po, humihingi po ako ng paumanhin sa aking naging reaksyon."
Naiiling na lamang si Li Muen at saka sinabing, "Maari mo bang ituro sa akin ang daan papunta doon? Gusto ko lang namalaman kung anong klaseng lugar ang silid aklatan. Isa pa may gusto din akong malaman. Maari ka namang hindi sumama sa akin-"
"Miss, sasama po ako sa loob." Agad na pagpuputol ni Zhuen sa pagsasalita ni Li Muen at nang maisip ni Zhuen ang kanyang ginawa ay agad itong lumuhod, "Patawad, Young Miss. Hindi ko po intensyon na putulin ang iyong pagsasalita."
Napangiwi na lang si Li Muen sa inasal ni Zhuen. Hindi niya akalain na ganito pala kalaki ang pinagkaiba ng alipin at ng amo. Napayukom ng kamao si Li Muen, alam niya na hindi ito makatarungan ngunit wala na siyang magagawa pa rito dahil ito na ang naging batas sa mundong ito wala pa man siya dito kaya naman wala siyang balak na baguhin pa ito.
"Zhuen, tumayo ka diyan at sumama sa akin."
"Masusunod po, Fourth Young Miss." Nakangiting sambit ni Zhuen.
Masayang naglakad si Zhuen sa likuran ni Li Muen habang sinasabi ni Zhuen kung saan marapat na dumaan si Li Muen patungo sa silid aklatan. Nang makarating naman ang dalawa sa harap ng silid aklatan ay nagulat ang dalawang guwardya na nagbabantay dito. Nang mapagtanto ng dalawa kung sino ang nasa harapan nila ay kaagad silang yumuko.
"Magandang umaga, Fourth Young Miss." Sabay na sambit ng dalawang guwardya.
Naguguluhan man at hindi man alam ng dalawang guwardya kung bakit at papaano napunta dito ang ikaapat na batang miss ay wala sila sa lugar upang tanungin ang dalaga. Binuksan ng dalawang guwardya ang pintuan at kaagad din naman naamoy ni Li Muen ang amoy ng mga libro. May iilan na tao sa silid aklatan at ang karamihan dito ay mga taga-silbi na naatasan na maglinis ng silid aklatan at kagaya ng reaksyon ni Zhuen at ng dalawang guwardya ay nagulat sila nang makita si Li Muen sa silid aklatan.
Yumuko sila kay Li Muen bilang paggalang. Kahit na walang talento si Li Muen ay hindi naman ito dahilan para mawala ang respeto ng mga taga silbi sa kanya. Tanging ang mga taga-silbi lamang ni Li Changli ang may lakas ng loob na kalabanin ang dalaga sapagkat alam ng mga ito na poprotektahan sila ni Li Changli.
"Ikaw." Tawag ni Li Muen sa babaeng may katandaan na. "Anong pangalan mo?"
Yumuko ang babaeng nasa edad sitenta y sais saka ito sinagot si Li Muen, "Zhengxi po, Fourth Young Miss."
Tumango si Li Muen at saka nagpatuloy sa kanyang sasabihin, "Zhengxi, matagal ka na ba dito sa loob ng silid aklatan?"
"Opo, mahigit sampung taon na po."
"Kung gayon ay kabisado mo na ang mga libro na may-roon dito sa silid aklatan."
Sandali na napatigil si Zhengxi at saka umiling, "Maaring alam ko ang mga pamagat ng mga libro ngunit hindi ko alam kung ano ang mga nilalaman nito. Hindi po kami maaring magbasa ng laman ng mga aklat ng walang pahintulot."
Sumagi naman sa isipan ni Li Muen ang sinabi ni Zhengxi at nalaman niya sa dating ala-ala na hindi maaring pakialaman ng mga kasambahay ang mga gamit ng mga nakatira sa mansyon. Para sa kanila isa itong pagwawalang respeto kaya naman bukod sa pagbabasa ng mga pamagat ng aklat ay hindi na nila binabasa pa ito.
"Maari mo ba akong samabahan?"
Kaagad na tumango si Zhengxi at saka sinabing, "Opo, maari po."
Kahit na naiilang si Li Muen sa pagbibigay galang sa kanya ay hindi na niya ito pinansin pa. Ang kailangan niya ay kaalaman tungkol sa mundong ito at isa sa mga kaalaman na nalaman niya tungkol sa mundong ito ay ang mga alipin kailangang umasta bilang alipin. Hindi sila maaring umasta bilang isang amo maliban na lang kung ito ay pinag-utos ng kanilang amo.
Habang naglalakad ay nagtitingin tingin si Li Muen sa mga pamagat ng mga aklat na maayos na naka-hilera sa lalagyanan ng mga aklat.
Ah, buti na lang talaga at nakuha ko ang memory ng dating Li Muen kung hindi mamamatay ako kakaintindi ng mga sulat nila. Ibang iba ito sa mga sulat sa buhay ko noon. Para syang pinaghalo halong arabic, baybayin, hangul at kanji. Ang hirap intindihin pero dahil nasa akin ang memorya ng dating Li Muen ay hindi ako nahirapan.
"Zhengxi." Tawag ni Li Muen.
"Narito po ako, Fourth Young Miss."
Huminga ng malalim si Li Muen dahil sa inis na nararamdaman niya sa pagtawag sa kanya ng Fourth Young Miss ngunit wala naman siyang magagawa dito. Hindi maaring maparusahan ang inosenteng alipin dahil lang sa ayaw nito magpatawang ng dapat itawag sa kanya.
"Mayroon ba ditong tungkol sa lingwahe?"
Sandaling napatigil si Zhengxi sa tinanong ni Li Muen at tumingin si Zhengxi kay Li Muen nang hindi makapaniwala. Wari mo'y nakakita si Zhengxi ng isang multo dahil sa tinanong ni Li Muen.
"May problema po ba sa tinanong ng aking Miss?" Tanong ni Zhuen sapagkat nakita rin niya ang naging reaksyon ni Zhengxi.
Tiningnan ni Zhengxi si Li Muen at Zhuen na wari mo'y ibang tao.
"Miss gusto mo bang pag-aralan ang iba't ibang uri ng lingwahe?" Pautal-utal pang tanong ni Zhengxi.
Tumango naman si Li Muen. "Tama ka nga, Zhengxi. Gusto ko matutunan ang mga lingwahe na mayroon sa ating emperyo. Mula noong nag umpisa ito hanggang sa ngayon." Sandali na napatigil si Zhengxi at yumuko ito at sinabing, "Fourth Young miss ipagpatawad ninyo pero maaari ko po bang makausap muna ang Master patungkol dito?"
Kumunot naman ang noo ni Li Muen at saka nagtanong kay Zhengxi, "Hindi ba iyon maaring basta bastang basahin ng kung sino man?"
Dahan dahan namang tumango si Zhengxi bilang sagot at wala naman nang nagawa si Li Muen kung hindi ay tumango kay Zhengxi. Alam niya na ginagawa lang nito ang kaniyang trabaho at walang personalan.
"Okay, bilisan mo."
"Maraming salamat po."
Kaagad naman na umalis si Zhengxi at agad din naman na humanap ng upuan si Li Muen upang hintayin ang pagdating ni Zhengxi. Wala pa mang ilang minuto ay may isang taga-silbi na dumating at may dalang inumin at pagkain.
This tea and biscuits. Tsk, I'm so sick of it. Wala ba silang alam sa pastry?
Nahalata naman ni Zhuen ang itsura ni Li Muen kaya naman agad itong nagtanong kay Li Muen, "Young Miss, ayaw nyo po ba ng tea and biscuits?"
Bu muntong hininga si Li Muen, "Hindi naman sa ayaw ko ngunit hindi lang taga tugma ang pagkain sa tea."
Hindi na nagtaka naman si Zhuen sapagkat noon pa man ay ayaw na talaga ni Li Muen sa tea at biscuit dahil alam nito na hindi tugma ang lasa.
"Feifei, paumanhin ngunit ayaw ng Fourth Young Miss ang biscuit. Ilapag mo na lang ang tea." Ngumiti naman si Feifei, "Okay po."
Mukhang hindi naman ata nabu-bully ng ibang maid si Zhuen ah. Talagang yung maid lang ni Changli at nung nanay nito ang problema. Asar, I will let them get their asses out of this house as soon as possible.
Kaagad na nilagyan ni Zhuen ang tea cup ko at naghintay na dumating si Zhengxi. Hindi nya alam na may mga restriction pala ang mga aklat dito at may ilan na hindi pwedeng basta basta na lang basahin.
Sabagay, paano ko ba naman malalaman eh hindi naman mahilig magpunta dito ang predecessor ko. Ang alam lang ng dating Li Muen ay ang magkulong sa kwarto at maging sunod sunuran kay Li Changli. Ngayon hindi na iyon pwede mangyari pa kaya naman gagawin ko ang lahat para malaman nila na hindi ako basta bastang anak lang ng namumuno nang pamilyang ito.
"Fourth miss," Napabalik naman ang ulirat ni Li Muen nang marinig ang boses ni Zhengxi, "Ipinapatawag po kayo ni Master Chao sa main hall."
Tumango naman si Li Muen at saka naglakad papunta sa main hall.
I'm just wondering, bakit kaya mga common words lang like names, places or greetings lang ang alam nila sa English? I mean, they can't even make a simple sentence. Ow, siguro yun na lang ang dapat kong alamin once na pinayagan ako magbasa ng libro about languages.
Tahimik silang naglalakad papunta sa main hall sa pangalawang beses ay nagtataka ang mga katulong na nakakakita kay Li Muen papunta sa main hall. Hindi nila batid kung bakit napapadalas ang pagpunta ni Li Muen sa main hall.
Nang nasa harapan na si Li Muen ng pintuan ng main hall ay kaagad naman inanunsyo ng guard na nandoon siya kaya naman pinapasok na si Li Muen.
"Zhuen, dito ka lang."
"Pero miss.."
Ngumiti si Li Muen at tinapik ang balikat ni Zhuen, "Huwag kang mag alala okay lang ako."
Labag man sa loob ni Zhuen ang iwan si Li Muen wala pa rin itong magawa sapagkat kailangan niyang sundin ang ano mang sabihin ni Li Muen.
Nang makapasok si Li Muen sa loob ng main hall kagaya pa rin ng dati ang posisyon ng mga taong nakaupo sa loob. Wala pa rin doon ang asawa ng kanyang ikalawang tiyuhin at alam ni Li Muen na nasa ancestral hall pa rin ito at pinaparusahan.
"Mu'er,"
"Magandang umaga po ama, ina, mga tiyo at tiya." Magalang na sambit ni Li Muen na may kasamang mala-prinsesang aura.
Kahit ang kanyang mga magulang ay nagulat sa ipinaramdam sa kanila ni Li Muen at isa ito sa naisip na paraan ni Li Muen upang hindi na siya maliitin ng mga tao.
One step at a time, I will conquer this whole family. Hindi nyo na ako aapihin and those who hurt the late Li Muen will suffer. Hindi ako santo para palampasin ang mga ginawa nila.
"Mu'er, totoo ba na gusto mong mabasa ang mga tungkol sa lingwahe ng kontinente?" Tanong ng kanyang ama.
Kaagad naman tumango si Li Muen at sinabing, "Opo ama. Maaari po ba?"
"Alam mo ba na isang mahalagang pag aari ng pamilya natin ang aklat na iyon? Bakit gusto mong basta basta na lang iyong basahin?" Sambit ng kanyang ikatlong tiyuhin.
Ngumiti si Li Muen at saka sinabing, "Hindi ko po alam na isang mahalagang aklat pala ang gusto kong basahin. Gusto ko lang magkaroon ng kaalam."
"Maari ba namin malaman kung bakit gusto mo mabasa ito?" Tanong naman ng kanyang ina.
"Alam ko pong wala akong talento sa arts at alam ko rin po na hindi basta basta natin na makukuha ang talentong ito kaya gusto ko mag isip ng ibang paraan. Gusto ko magbasa ng magbasa nang sa gayon ay magkaroon man lang ako ng maihahandog sa pamilyang ito. Ayoko na maging isang walang kwentang young miss ng pamilya."
Yumuko si Li Muen at hindi naman nito nakita ang sakit na pumaskil sa mukha ng kanyang ama at ina. Alam nila Quin Qin Xi at Li Chao na nahihirapan si Li Muen sa kaniyang sitwasyon ngunit wlaa silang magawa upang pagaanin man lang ang loob ng kanilang anak. Kaya naman nang marinig nila ang sinabi ni Li Muen ay may kung anong kirot ang naramdaman nila sa kanilang dibdib. Ganoon din ang mga tiyahin ni Li Muen.
Batid ng lahat ng nasa main hall ang paghihirap ni Li Muen kaya naman nasaktan sila sa sinabi ni Li Muen at bahagyang nagkaroon sila ng pag asa na may magagawa pa si Li Muen sa kanyang hinaharap.
"Kung papayagan ka namin na basahin ang lahat ng aklat sa silid aklatan kasama na ang mga ipinagbabawal magkakaroon ba ng siguridad na may magagawa ito sa iyong buhay?" Istriktong tanong nang kanyang ikatlong tiyuhin.
Sandali na napaisip si Li Muen at seryosong tiningnan ang kanyang ikatlong tiyuhin saka nito sinabing, "Hindi ko maipapangako na may magagawa ito sa aking buhay ngunit isa lang ang maaari kong bitawan." Tiningnan ni Li Muen isa isa ang mga nakaupo sa main hall at saka sinabi pang, "Maari kong mahanap ang landas na para sa akin."
Katahimikan ang namayani sa loob ng main hall at walang ni isang ingay na marinig. Nagkatinginan ang lahat ng may mga katungkulan sa pamilya at kaagad naman na humalakhak ang ama ni Li Muen.
"Brother Chao, hindi ko alam na may ganito palang klaseng pag uugali si Mu'er." Nakangiting sambit ng kaniyang ikalawang tiyuhin, Li Che.
"Brother Che, hinidi ko rin alam na may ganitong pag uugali ang anak ko. Siguro nga maari natin siyang pagbigyan."
"Sumasang-ayon ako. Siguro naman hindi masama kung siya at ang kanyang personal na alalay ang papasok sa ating pinagbabawal na silid." Dagdag naman ni Morong Manli ang asawa ng kanyang tiyahin.
"Kung gayon ay binibigyan ka namin ng pagkakataon na makapasok sa loob ng ipinagbabawal na silid." Nakangiting sambit ni Quin Qin Xi na ina ni Li Muen ngunit kaagad din naman itong sumersyo, "Ngunit Mu'er nararapat lang na ipangako mo sa amin na bukod sa iyo at kay Zhuen ay wala ka nang maari pang isama sa ipinagbabawal na silid. Hindi rin kayo maaring maglabas ng impormasyon na patungkol sa mga nabasa ninyo sa ipinagbabawal na silid, nagkakaintindihan ba tayo, anak?"
Nakangiti na tumango si Li Muen at saka sinabing, "Naiintindihan ko po mahal kong ina!"
Nakangiting naglakad si Li Muen palabas ng main hall samantala si Zhuen naman ay kinakabahan na dahil matagal tagal din si Li Muen sa loob ng main hall.
Ah, Miss Muen ang tagal mo naman po dyan nag aalala na ako. Pinaparusahan ka na po ba? Tatawagin na lang po ba ako dito para dalhin at alalayan ka papunta sa iyong courtyard?
Naglakad si Zhuen pabalik balik at napakunot naman ang noo ng dalawang guwardya na nasa harapan ni Zhuen. Nahihilo na silang dalawa sa pagpapabalik balik ni Zhuen.
"Zhuen, ano bang nangyayari sa iyo at pabalik balik ka sa paglalakad? Nahihilo na kami sa iyo."
"Brother Jing kinakabahan ako! Ang tagal ni Miss Muen sa loob."
"Huwag kang mag alala Zhuen hindi naman sasaktan nila Master ang Fourth Miss." Sambit pa ng isang guwardya.
Alam ng lahat sa mansyon na kahit na gaano pa kawalang kwenta si Li Muen ay hindi pa rin ito nakakatanggap ng kung anong masasakit na salita o hindi kaya masasakit na pisikal na parusa sa pagiging walang kwenta nito. Bagkos ay alam nila sa sarili nila kung gaano kamahal ng kanilang Master at Mistress si Li Muen kaya naman ngayon na nag iba na ang ugali ni Li Muen ay kinakabahan ang ibang katulong na nang-bully as kaniya dati.
"Miss Muen!" Bulalas ni Zhuen nang makita niya ang paglabas ni Li Muen.
"Zhuen, anong nangyari sa iyo at mukha kang tinatawag ng kalikasan?"
Mahina namang natawa ang dalawang gwardya sa sinabi ni Li Muen at ngumiti naman ng malawak si Li Muen nang makita niya ang pamumula ni Zhuen.
"Miss, nag alala lang po ako."
Umiling si Li Muen at tinapik ang balikat ni Zhuen, "Wala kang dapat ipag-alala sa akin dahil hindi nila ako masasaktan. Hindi na nila magagawa ang ginagawa nila sa atin dati." Malumanay at may halong otorisadong boses na sambit ni Li Muen.
Sandali na napatigil ang dalawang guwardya at si Zhuen sa sinabi ni Li Muen at saka sila napaisip at nagpapasalamat na hindi nila pinagsalitaan ng hindi maganda si Li Muen at hindi din nila iniwan ito.
I think I have to do something for this two guard. They've been protecting me since before so I wanted them to be with me. I know their skills are superb because they are one of the most trusted knight of my father. Then, I have to ask him for this.
"Jing, Jin, mauuna na kami," sambit ni Li Muen at kaagad naman na nag-bow si Jing at Jin.
"Mag iingat po kayo."