Naglakad si Li Muen papunta sa main hall at bawat nadaraanan niya nagtataka kung bakit siya pupunta sa main hall. Bibihira lang nila na makita si Li Muen sa main hall at nagulat din sila dahil sa nakabalik na si Li Muen sa dati nitong lakas. Wala silang kaalam alam sa nangyari kay Li Muen pagkatapos nitong malason kaya naman nagulat sila na makita ang dalaga na naglalakad papunta sa main hall.
Ang main hall ay kung saan namamalagi ang mga namumuno sa pamilya. Kasama na doon ang ama at ina ni Li Muen at ang mga kapatid nang kaniyang ama, at ilang matatanda sa pamilya.
Himala napadpad dito sa main hall ang Second Miss.
Ano kayang kailangan nya at napapunta sya dito?
Okay na pala sya? Eh bakit ayaw nya na lang patawarin sila Madam Bai Zi at Miss Changli? Di hamak na mas kailangan naman ng pamilya sila Miss Changli kesa sa kanya na walang alam gawin.
Buti naman at okay na si Miss Muen. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ng mga kapatid nya kapag nalaman nya ang nangayari. Lalo na ang kakambal nito. Nakakatakot pa naman ang Second Young Master magalit.
Iba iba ang mga opinyon ng mga kasambahay na nadaraanan ni Li Muen at nararamdaman din naman nya ang mga tingin ng mga ito sa kanya. Alam nya rin na may mga iba't iba itong opinyon ngunit wala siyang pakialam sa mga ito.
Ano bang mapapala ko if ever na makipagtalo ako sa mga utak nila? Heck, some of them are hates me for doing what is right. Anong akala nila sa akin tanga? Wala akong paki sa nararamdaman nila. Magdusa sila!
Tahimik lang naman din na nakasunod si Zhuen likuran ni Li Muen at naghihintay na magsalita ang kanyang Miss. Halos nagtataka ito na walang pakialam si Li Muen sapagkat noon kapag may nakikita siyang kakaibang tingin o kaya ay may naririnig na hindi maganda tungkol sa kaniya ay nagagalit na ito.
Hindi ko alam kung maganda ba ang naging dulot ng pagkalason mo Miss Muen, pero... nagpapasalamat ako at nagbago ka na. Nagpapasalamat ako na kaya mo na ring kontrolin ang emosyon mo.
Sa mga tao sa buong mansyon at sa buong pamilya kasama na rin ang mga kasambahay na naninilbihan sa pamilyang Li ay walang kaalam alam sa pagbabago ni Li Muen maliban sa isang tao. Si Zhuen, simula pagkabata nila ay magakasama na ang dalawa at alam na alam ni Zhuen kung ano ang mga ayaw at gusto ni Li Muen at alam din nito ang ugali ni Li Muen kaya naman naninibago siya sa Li Muen ngayon.
Hindi man alam ni Zhuen kung bakit at paano nagbago ang kanyang Miss pero nagpapasalamat ito at kaya nya na ring mangatwiran, kumalma, at makipagsabayan sa tao sa buong mansyon. Isa sa kinakatakot ni Zhuen ay ang may mangyaring masama kay Li Muen dahil alam nito na walang talento ang kanyang Miss kaya naman ginagawa nya ang lahat maprotektahan lang si Li Muen.
"Zhuen?"
"Bakit po, Fourth Young Miss?"
Dahil nasa parte sila ng main hall at maraming tao kailangan igalang ni Zhuen si Li Muen kahit na ayaw ni Li Muen. Kailangan tawagin ng mga kasambahay ang mga Young Miss at Young Master na naka-base sa kanilang pagkakasunod sunod.
Galit na ba si Miss Muen sa kanyang mga naririnig?
Hindi maikalma ni Zhuen ang kanyang isipan dahil sa biglaang pagtawag sa kaniya ni Li Muen. Ganitong ganito ang eksena lagi noong bago pa man magkaroon ng aksidente sa buhay ni Li Muen. Kapag biglaan na tinatawag ni Li Muen si Zhuen ay sigurado na may paparusahan itong mga kasambahay.
"Ako na lang ang papasok sa main hall." Sambit ni Li Muen kay Zhuen at tiningnan ni Li Muen si Zhuen at saka sinabi pang, "Isa pa, hindi ba't sinabi ko sa iyo na tawagin mo ako sa pangalan ko? Bakit mo na naman ako tinawag na Fourth Miss?"
Napayuko si Zhuen sa sinabi ni Li Muen at saka ito ibinalik ang tingin sa mga mata ni Li Muen, "Pasensya na po talaga Fourth Miss. Iyon po ang patakaran sa mansyon at kapag nilabag ko po ay mapaparusahan po ako."
Nakipagtitigan si Zhuen kay Li Muen at halos mahimatay naman sa kaba ang ibang mga katulong na nakarinig ng usapan ni Li Muen at Zhuen. Alam nila kung ano ang mga parusa sa mga lumalabag sa mga alituntunin ng mansyon kaya naman kinakabahan sila para sa sasapitin ni Zhuen kapag nagpumilit si Li Muen.
Naramdaman din naman ni Li Muen ang paligid kaya naman bumuntong hininga na lang sya at sinabing, "Okay, sige sabi mo eh. Ako na lang ang papasok huwag ka na sumunod."
Tumango naman si Zhuen at saka sinabing, "Masusunod po."
Lumapit si Li Muen sa guard at sinabing, "Papasok ako, paki anunsyo. Kung hindi ako pwede sa ngayon pumasok sa susunod na lang ako."
Kaagad din naman sinunod ng guwardya ang sinabi ni Li Muen at kaagad din naman nagbigay ng sagot ang nasa loob ng main hall.
"Fourth Young Miss, maari ka na pong pumasok." Magalang na sambit ng isang guwardya.
Tumango lang si Li Muen at tiningnan ang isa pang guwardya na hindi man lang siya binati.
Hmp, isang guard na nagmamataas sa isang parte ng pamilya? Mukhang may kapit ata ang isang to ah. Well, I will know it for sure but for now I have to talk to my family and to my elders. Kahit papaano naman may iilan pa rin sa pamilya na walang pakialam kung useless ang dating Li Muen o hindi eh.
Nang makapasok na si Li Muen sa loob ng main hall ay kaagad din naman na lumapit ang ibang katulong kay Zhuen at nangamusta.
"Zhu'er, okay ka lang ba? Pinapahirapan ka ba ng Fourth Young Miss?" Tanong ng isang katulong na malapit kay Zhuen.
Kaagad naman na umiling si Zhuen at sinabing, "HIndi naman ako pinapahirapan ng Fourth Young Miss."
"Eh bakit ayaw nyang tawagin mo sya sa nararapat na tawag mo sa kanya?" Tanong naman ng isang ususerang katulong na pangangalaga ni Li Changli.
Malumanay na tiningnan iyon ni Zhuen at saka ngumiti siya sa katulong na ito at sinabing, "Sapagkat may iba syang gustong itawag sa kanya na ako lang ang maaring tumawag sa kanya ng ganoon." Bakas ang inis sa mukha ng katulong na nasa pangangalaga ni Li Changli sa sinabi ni Zhuen at dinagdagan pa ni Zhuen ang kanyang sinabi, "Isa pa alam naman natin na malaki ang pagpapahalaga ng mansyon sa mga alituntunin at regulidad dito kaya naman alam kong alam nyo ang mga dapat at hindi dapat."
"Hmp!"
Kaagad naman na umalis ang katulong na babae na nasa pangangalaga ni Li Changli ng padabog at hindi na ito pinansin pa ng iba. Alam nila ang ugali ng babaeng iyon at dahil sa nasa pangangalaga ang katulong na iyon ni Li Changli ay wala silang lakas ng loob na makipagsagutan. Alam nila ang mga kayang gawin ni Li Changli kaya naman takot sila na baka magsumbong ang babaeng katulong na iyon at ipahamak sila.
Sa kabilang banda. Nang makapasok si Li Muen sa loob ng main hall ay kaagad din naman siyang pinagtinginan ng lahat at nakita din niya ang dalawang tao na may hindi magandang tingin sa kanya.
Hostility, why do I feel like they wanted me dead? Did I do something wrong to them personally? Well then, if ever they lay a finger on me I won't be merciful as what happened to that Max.
Sa loob ng main hall sa kaliwang parte nakaupo ang mga elders ng pamilya, ang matatandang parte ng pamilya. May isang bakante na upuan doon at alam na ni Li Muen kung kanino iyon.
Inalis na pala talaga si Max, then good for them. At least kahit papaano nabawasan ang basura sa mansyon. Isa pa, isa si Max sa pwedeng makapagpabagsak ng Li Clan kaya naman hindi ko hahayaan na mangyari iyon. I will protect this family like what I've promised.
Tinitigan ni Li Muen si Elder Aule at Elder Minez na may masamang tingin sa kanya. Napansin ito ni Li Chao ngunit hindi na lang ito nag abala pang sitahin dahil alam naman niya na hindi gagawa ng masama sila Elder Aule at Elder Minez kay Li Muen. Hanggang masamang tingin lang sila hindi kagaya ni Elder Max na tinangkang patayin si Li Muen kasabwat si Bai Zi at Li Changli.
Sa pinaka gitna naman ay nakaupo si Li Chao at Quin Qin Xi ang ina at ama ni Li Muen. Sa kanan naman nakaupo ang kaniyang mga tito at tita. Si Li Can na ikalawa sa magkakapatid at bakante ang katabi nyang upuan na para sa kanyang asawa na si Bai Zi.
Parang naawa tuloy ako bigla kay tito Can.
Sumunod naman si Li Che na kapatid ng ama ni Li Muen at ang kanyang asawa na si Qing Maile. Sumundo naman si Li Xue na nag iisang kapatid na babae nila Li Can, Li Che at Li Maile kasama ang kaniyang asawa na nakaupo sa kaniyang tabi na si Morong Laoxi.
Ang kaniyang mga tito at tita ay walang sinabing hindi maganda kay Li Muen. Lahat sila ay tanggap si Li Muen kahit na wala itong talento dahil para sa kanila ang pamilya pa rin ang mas mauuna. Kaya naman nang malaman nila na may nangyari kay Li Muen at kagagawan ito ng mag inang si Li Changli at Bai Zi ay kaagad naman na umaksyo nang mga ito. Binigyan nila ng karampatang parusa si Bai Zi at Li Changli na naaayon sa kanilang batas.
"Mu'er, aking pamangkin. Kumusta ang iyong pakiramdam?" Tanong ni Li Xue.
Sa lahat ng kaniyang pamangkin si Li Muen ang nakikita niyang pinaka maamo sa lahat kahit na naririnig pa rin nito na madalas nyang apihin ang mga kasambahay. Alam ni Li Xue na ginagawa lang ito ni Li Muen para maalis ang mga masasamang loob na nasa kanyang dibdib kaya naman mas lalo siyang nag alala kay Li Muen nang may mangyari dito.
"Binabati ko po kayo ng magandang umaga, ina, ama, mga tito at tita. Pati na rin po kayo Elders." Magalang na sambit ni Li Muen na nagpagulantang sa lahat.
Alam nila ang ugali ni Li Muen pagdating sa kanila at alam din naman nila na i-ni-spoil nila si Li Muen mula pagkabata at laging nagpupumilit sa kanila sa kung ano man ang gustuhin nito. Alam din nila na hindi ugali ni Li Muen na batiin sila na may karampatang respeto. Ito din ang dahilan kung bakit ayaw siya ni Elder Aule at Elder Minez.
"Mu'er, anong meron at binati mo kami?" Hindi makapaniwalang sambit ni Morong Laozi kay Li Muen.
Mahina naman na natawa si Li Muen, "Pagkatapos kong maranasan ang muntikan na pagkamatay hindi ko pa po ba kayo babatiin?" Tumingin si Li Muen isa isa sa mga mata ng kanyang mga tita at tito pati na rin sa kanyang ama, ina at mga Elders.
Wala nang nasabi pa ang mga nasa loob ng main hall at saka nagtanong si Li Chao, "Anong dahilan at naparito ka anak ko?"
"Ama, ina. Gusto ko po sana manghingi ng pabor."
Sa pangalawang pagkakataon ay nagulat na naman ang mga tao sa loob ng main hall. Kapag may pabor kasi na hihingiin si Li Muen ay palihim niya itong hinihingi sa kaniyang ina at palihim din naman siyang binibigyan ng kaniyang ina ng kahit na anong pabor na hinihingi nito.
"Ano iyon, aking anak?" tanong ng kaniyang ina na si Quin Qin Xi.
Napangiti naman si Li Muen dahil alam niya na hindi siya hihindian ng kaniyang mga magulang. Ang inaalala lang niya ay ang dalawang Elder na galit sa kanya dahil sa wala siyang talento.
"Maari nyo po ba ako bigyan ng isang maliit na bahay o kahit maliit lang na courtyard sa may plaza? Yung may dalawang palapag sana." Nakangiting sambit ni Li Muen.
"At bakit mo naman kakailanganin ng courtyard sa plaza? Wala ka namang talent-"
"Elder Aule, akala ko ba napag usapan na natin ito?" May halong inis sa boses ni Li Chao.
"Hindi naman po ata tama na idiskrimina ninyo ako. Alam ko po na wala akong talento sa kahit na anong arts pero gusto ko lang naman po mahanap kung ano ang talagang para sa akin." Kalmadong sambit ni Li Muen.
"Insolent!"
Nagulat naman si Li Muen hindi dahil sa sigaw ni Elder Minez kundi dahil sa sinabi nito.
Heck, he knows the word insolent? Alam nya ba ang ibig sabihin nun?
Dahil sa sinabi ni Elde Minez ay kaagad naman na ibinagsak ni Quin Qin Xi ang kanyang palad sa lamesa na pumapagitan sa kanila ni Li Chao at nasira naman ito. Kaagad din naman napatigil si Elder Minez at Elder Aule sa pakikipagtalo kay Li Muen.
"Hindi ba kayo nahihiya sa gianagawa ninyo? Alam na ninyo ang sitwasyon ni Mu'er pero anong ginagawa nyo? Mas lalo nyo pa syang hinihila pababa! Imbis na hingkayatin ninyo sya na hanapin ang para sa kanya ay parang mas gusto pa ninyo na manatili syang walang alam sa sarili nya!" Galit na sigaw ni Quin Qin Xi.
Kaagad naman nakaramdam ng pagmamahal sa puso ni Li Muen dahil sa pagtatanggol sa kaniya ni Quin Qin Xi at napangiti naman ito.
Ah, so ito pala ang pakiramdam ng may ama at ina? Ng may pamilya? May handang pu-mrotekta sayo sa kahit na anong paraan. May handang tumulong sayo kapag kailangan. Ang sarap pala sa pakiramdam.
"Ayos lang po iyon, ina." Nakangiting sambit ni Li Muen at parang biniyak naman ang puso ni Quin Qin Xi ng hindi alam ni Li Muen, "Sanay na po ako at wala na rin pong bago doon. Gusto ko lang po talaga magkaroon ng pwesto sa may plaza. Kung okay lang po sa inyo." Dagdag pa ni Li Muen.
Masama siyang tiningnan ni Elder Aule at Elder Minez ngunit hindi naman ito pinansin ni Li Muen dahil wala naman silang kakayahan na makipagtalo kay Li Muen sa harap ng kanyang ama at ina.
"Maari ba namin malaman kung para saan ang hinihingi mo?" Tanong nang kanyang ama na si Li Chao.
Bumuntong hininga si Li Muen sapagkat alam naman niya na itatanong ito ngunit wala itong balak na sabihin sa kanyang mga magulang ang gagawin nito. May tamang panahon para sabihin ang mga gagawin niya.
"Pumayag na po kayo na sa labas muna ako ng mansyon sa loob ng tatlongpu't isang gabi at tatlongpung araw. Ayoko lang po na makaabala sa inyo pagdating sa pera na gagamitin ko. Gusto ko lang po ng matutuluyan at ako na po ang bahala sa pang-araw araw ko."
"Pero..."
"Ina, hindi ko po mahahanap ang para sa akin kung hindi po ako magsusumikap. Huwag ka po mag alala kakayanin ko po."
"Okay, basta kung hindi mo na kaya magsabi ka ha?"
Wala nang nagawa pa si Li Muen kundi ang tumango kay Quin Qin Xi dahil hindi siya mananalo sa pakikipagtalo sa kanyang ina. Alam naman niya na nag aalala lang ito para sa kanya pero wala pa talaga sa isipan ni Li Muen na ipaalam ang kakayahan niya.
Now, kailangan ko na lang mag isip ng kung ano man ang dapat kong i-rason para sa mga gagawin ko sa susunod na araw. Hindi pwedeng biglaan lang akong magkaroon ng talent. Isa pa, kasama ko si Zhuen at kilala nya ang dating Li Muen mula pagkabata at alam ko rin naman na kahit papaano ay nagdududa na si Zhuen at hindi nya lang sinasabi.
"Maraming salamat po, ina. Pangako po, kapag hindi ko mahanap ang para sa akin kayo na po ang bahala sa akin." Sambit ni Li Muen at saka ito nag bow at napangiti naman ang mga tao sa loob ng main hall.
Nagpaalam na aalis na si Li Muen kaya lang ay pinigilan ito ni Li Chao, "Mu'er."
Kaagad na napalingon si Li Muen kay Li Chao at nagtanong, "Bakit po, ama?"
"Alam mo na ba?" Tanong ni Li Chao sa kanyang anak na babae na si Li Muen.
Kumunot naman ang noo ni Li Muen sa tinanong ng kanyang ama.
Mukha bang alam ko, papa? Mukha ba akong manghuhula sa paningin mo? Heck, syempre hindi ko alam!
Gustong gusto sabihin ni Li Muen ang mga salitang iyon ngunit pinigilan nito ang kanyang sarili at saka nagtanong, "Hindi po ama. Ano po ba iyon?"
Ngumiti ang kaniya ama at ina na nagpadagdag pa ng kuryusidad ni Li Muen. Itinagilid niya ang kanyang ulo para naman ipaalam sa kanyang ama at ina na wala itong ka-ide-ideya sa mga sinasabi nila.
"Malapit nang umuwi ang mga kapatid mo." Sambit ng kanyang ina.
Sandali na napatigil si Li Muen at natulala sa kanyang ama at ina na halatang hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina.
Why do I feel like crying? Miss na ba ng dating Li Muen ang kanyang mga kapatid? Too bad, namatay syang hindi nya nakikita ang kanyang mga kapatid. Don't worry, ako na ngayon ang nasa katawan mo at mamumuhay ako bilang ikaw.
"Maraming salamat sa magandang balita, ina... ama." Nakangiti ngunit may nagbabadyang luha sa mga mata ni Li Muen.
Gabi na nang umuwi si Li Muen sa kanyang courtyard kasama ang kanyang pinagkakatiwalaang katulong ngunit para sa kanya hindi na katulong pang maituturing si Zhuen kaya para sa kanya kaibigan na niya ito.
"Zhuen, bago ako matulog maari mo ba akong bigyan ng isang basong tubig?"
"Masusunod po, Miss Muen."
Nang makaalis si Zhuen ay tumitig naman si Li Muen sa kawalan at napakunot ang noo niya nang mapansin niya na may ibang tao sa kanyang tahanan. Tumingin siya sa bandang hilaga kung saan may matataas na halaman at doon may nakita siyang isang lalaki.
Potek! Anong ginagawa ng isang ito sa courtyard ko?
Hindi maanig ni Li Muen ang mukha nang lalaki kaya naman hindi niya alam kung sino ito kaya naman mas naging alerto siya. Nang dumating naman si Zhuen at ibinalik ni Li Muen ang tingin niya sa kinatatayuan ng lalaki ay wala na ito doon.
Sino yun? May kailangan ba sya?