IMPERIAL PALACE MAIN HALL Ang mga taong nasa baba ng lipunan bago ang mga normal na tao ay nauna sa Imperial Palace main hall kung saan gaganapin ang pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang Empress. Ang mga ito ay masayang nakikipag-kwentuhan sa isa’t isa hanggang as sumigaw ang isang kawal. “BAI FAMILY HAD ARRIVE!” Natahimik naman ang lahat at ngumiti na lamang sa Bai Family. Dahil sa gulo na ginawa ng Bai Family sa kaarawan ng kapatid ng Head ng Li family ay naging usap usapan sila. Hindi rin naman nakawala sa usap usapan na ito ang nangyari sa asawa ni Li Can na sumama sa ibang lalaki. Alam nila ang lahat ng ito at kapag wala ang Bai family ay pinag-uusapan nila ang mga ito ngunit ngayon na nasa iisa na silang lugar ay nanahimik na lamang sila at hindi na nagsalita. Alam nila ang ugal