Abala ang lahat ng nasa palasyo at maging ang mga tao sa labas ng palasyo ay abala rin sa paghahanda para sa kaarawan ng Empress. Ang mga tao sa palasyo ay abala sa paghahanda para sa gaganaping pagdiriwang at ang nasa labas naman ay abala sa pakikisaya para sa kaarawan. Si Empress Xue ang isa sa pinaka hinahangaan ng lahat. Hindi lamang siya maganda, kundi matalino rin ito at may malasakit sa mga nasasakupan. Si Empress Xue ang tipo ng namumuno na hindi basta basta naniniwala sa mga sabi sabi kung hindi siya mismo ang nakasaksi nito o ang taong kaniyang inutusan na mag-imbistiga nito. Sa kabilang banda naman, si Li Muen ay nakasakay sa kaniyang karwahe kasama ang kaniyang magulang. Kasalukuyan na nag-uusap sina Li Chao at Qi Quin Xi tungkol sa mga dapat gawin sa pamilya nang kum