CHAPTER 98: RIBBON AND LACE

1602 Words

May inilapag pa si Xidi Cheng na isa pang panyo na kulay puti. Kinuha ito ni Li Muen at saka naman kumunot ang kaniyang noo. “Isang puntas?” sambit ni Li Muen. Nagulat naman ng sandali si Xidi Cheng at Liu Shi. Hindi nila akalain na alam ni Li Muen ang tawag sa piraso ng tela na iyon. Dahil doon ay napakunot silang dalawa. Napansin naman ni Li Muen na tahimik sina Xidi Cheng at Liu Shi kaya naman tiningnan niya ito. ‘Wow, hindi ko akalain na ako pa ang pagbibintangan ng mga ito,’ sambit ni Li Muen sa kaniyang isipan. Kaagad na inalis ni Li Muen ang kaniyang ngiti at pinalitan ito ng walang emosyon na mukha. Wala ring kahit na anong emosyon na makikita sa kaniyang mga mata at kung tititigan ka man nito ay para kang ibabaon sa hukay. Hindi na lamang pinansin ni Li Muen ang nakita n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD