Kasalukuyang nagbibihis si Li Muen ng kaniyang itim na damit. Habang abala si Li Muen sa pagbibihis ay abala rin naman sina Zhuen, Yaoyao, at Xu Lei Mei sa pag-aalala pa ra sa kaniya. Pinapakinggan lamang ni Li Muen ang mga sinasabi ng tatlo at hinahayaan na lamang niya dahil wala rin naman silang magagawa kapag nakapag-desisyon na siya. Alam man ito ni Zhuen ngunit nagbabakasali siya na makinig si Li Muen sa kanila. Sa huli, ay desidido pa rin naman si Li Muen sa kaniyang gagawin kaya naman wala nang nagawa pa sina Zhuen kundi ang bumuntong hininga na lamang sa harap niya. “Kalma lang, walang mangyayari sa akin. Isa pa, hindi ko naman derektang haharapin ang taong iyon,” pagsisinungaling ni Li Muen. Alam ni Li Muen na kapag nagsimula na siyang magronda sa buong ship at napadaan siya