Naglakad pa sila papailalim ng gubat at habang naglalakad sila ay napag-usapan nila na hindi na nila tutulungan ang kahit na sino mang nangangailangan. Lalong lalo na si Li Muen. ‘Hmph! Hinding hindi ko na uulitin iyon. I just tried to help them but what did they do? They ran and left me there fighting alone. If it weren’t for Lily, I would have long been dead.’ Nang mapadaan sila sa isang bangin ay nakita nilang may mga nagpapahinga, may iilan din naman silang nakikitang nasa puno at nagpapahinga. Hindi alam nina Li Muen kung bakit sila nasa bangin at itaas ng puno ngunit dahil sa nangyari ay hindi na nila ito pinakialaman pa. Sa hindi naman kaalayuan ay napansin nina Li Muen at Lily ang matatalim na tingin ng isang grupo sa kanila. Hindi lang iyon, mga nakangiti rin sila ng nakakalo