Ang mga wolf na nasa harapan ngayon ni Li Muen at Lily ay may taas na hanggang isang metro, hindi lang iyon, ang mga ito ay may kulay pulang mat ana handa nang dumakma ng kahit na anong makakain nila. Ang mga pulang mata ito ang siyang magpapanginig ng kaluluwa ng isang tao sapagkat kayang kaya mo makita ang katapusan mo sa kanila kung hindi mo sila kakayanin. Sa ganitong paraan, nakita ni Lily na siya ay malalapa ng mga red wolf at si Li Muen naman ay sugatan. Gayon pa man, iba ang kay Li Muen. Nakita niyang pinatakas niya si Lily at mag-isang nakipag-duwelo sa red wolf pack. Hindi lang iyon, may isang naka-cape rin na tumulong sa kaniya. Kumunot ang noo ni Li Muen at siya ay napaisip, ‘Kaya bang makita ng iba ang hinaharap nila sa mata ng mga ito? Alam kaya ito ng mga tao rito? Kung o