OUTSIDE THE ROYAL INSTITUTE, THE JOURNEY Tahimik lamang na nagpapahinga sina Lin Xiao sa kanilang karwahe habang pinapanood ang ibang estudyante na nagsasayawan at nagkakasiyahan sa labas. Nakapalibot sila sa apoy na nasa kanilang gitna. "Bakit ayaw ninyo sumama, Xiao? Mu'er?" tanong ni Li Merna nang pumasok ito sa karwahe nila. "Masyadong maingay," sambit ni Li Muen at tumingin sa labas. "Ayoko rin," dagdag nito. Dahil sa nangyari sa kaniya sa dating buhay niya, alam na ni Li Muen kung kelan siya iiwas sa mga tao at hindi. Kalahati sa mga kasama nilang estudyante ay nakikita ni Li Muen na hindi maganda bilang isang kaibigan. "Kelan ba ako nakisali sa ganiyan?" tanong naman ni Lin Xiao. Bumuntong hininga na lamang si Qin Fan dahil alam nilang dalawa ni Li Merna