Ang mga may marka sa pamilya nina Li Muen sa dating mundo ay talagang makakarating sa mundo kung nasaan sila ngayon. Ang mga may marka ay ang mga kaluluwa na nakalusot sa pagitan ng dalawang mundo kaya naman kapag namatay ang mga ito ay babalik sila sa kung saang mundo talaga sila kasama ang memorya na mayroon sila. Ang katawan na inukupa nila nang mabuhay silang muli ay siyang katawan na pinagamit para sa mga kaluluwa upang hindi ito masira at magamit ng iba. "Hindi ko pa rin talaga akalain na nasa ganitong sitwasyon tayo." Nakangalumbabang sambit ni Li Muen habang nakatingin sa labas ng karwahe. Humalukipkip naman si Li Xie. "Kahit naman ako hindi ko rin alam. So ibig sabihin we don't need to feel guily sa pagkuha natin sa katawan na meron tayo ngayon?" "Iyan ang gustong iparating