“Sigurado ba kayo?” tanong ni Lin Xui Ying nang ihatid niya sina Li Xie sa tarangkahan ng Imperial Capital. “Ying, okay lang talaga kami. Hindi naman namin kayo sinisisi na may kailangan kayong asikasuhin sa Dark Imperial Country,” pang limang ulit na sabi ni Li Xie. Mahina naman na tumawa si Li Muen dahil sa kakulitan ni Lin Xui Ying. Humarap siya kay Lin Jing at inilagay niya ang dalawang kamay niya sa dalawang pisngi ng kaniyang kasintahan. Kasalukuyan na nagpapaalam sina Li Muen at Li Xie kina Lin Jing at Lin Xui Ying habang nasa karwahe na si Lin Rei. Napag-isipan nilang tatlo na magpunta sa sinasabing lugar ng ama at ina ni Li Muen upang makumpirma kung tama nga ang kanilang iniisip. “I'll wait for you,” sambit ni Lin Jing at tumango naman si Li Muen. “Great! I'll give you