Dalawang buwan na nang matapos ang digmaan at maraming nangyari sa loob ng dalawang buwan. Nagbalik na ang katahimikan sa loob ng dalawang imperyo. Ang Radiance Imperial Country ay patuloy pa rin naman ang pagtulong sa Dark Imperial Country upang makabawi sa mga nangyari sa ilalim pamumuno ni Fang Miao. Natuloy na ang pag-upo ni Fang Yu sa kaniyang trono at patuloy pa rin naman na nag-aaral kung paano mamuno sa ilalim nang pagtuturo ng Emperor ng Radiance Imperial Country. Nang malaman ng mga mamamayan ng Dark Imperial Country na patay na si Fang Miao ay imbes na maiyak ang mga ito ay nagalak sila. Ganoon pa man, bilang pagbibigay ng galang sa Emperor ng kanilang emperyo ay nagbigay pa rin naman sila ng oras para magluksa. Wala mang luha at kabaliktaran man ng kanilang nararamdaman ang