IMPERIAL PALACE Nang matanggap ng Emperor ang sulat na pinadala ni Lin Jing kasama ng ulat niya ay kaagad niya itong binasa. Habang nagbabasa ay hindi maiwasan ng Emperor na mapatakip ng kaniyang bibig at sunod sunod ang pag-agos ng kaniyang luha. Kaagad naman na nabahala ang Empress kaya niya kinuha ang sulat at nang mabasa niya ito ay maging siya ay napa-iyak na lamang. Ang sulat na iyon ay galing sa kanilang kaibigan na si Chen Lu na kung saan kung hindi dahil sa kaniya ay wala silang dalawa ngayon sa kinalalagyan nila. Wala rin namang problema ang dating Emeperor sa pagkakaibigan nila kaya naman maganda rin ang samahan ng mga taga Dark Imperial Country at ng Radiant Imperial Country. Nagbago lamang ito nang magbago ang namumuno. "Hindi ko akalain na mangyayari ito," kaagad na kume