CHAPTER 159: THE DARK IMPERIAL THIRD PRINCE

2631 Words

Nang mahuli nina Li Xie at Li Muen ang dalawang spy ay kaagad na kumalat ito sa buong kampo. Maging ang pagkahuli sa dalawang opisyales ay naging usap usapan din sa loob. Hindi nila akalain na ang dalawang opisyales na palaging nasa tabi ni Lin Jing ay sila palang traydor. "Kaya pagdating talaga sa ganitong bagay hindi mo talaga mapagkakatiwalaan ang iba," "Hindi lang iyon, ang dalawang 'yon pa ang pinaka pinagkakatiwalaan ni Prince Jing," "Kung ako sa kanila kahit na anong mangyari hinding hindi ko sisirain ang tiwala sa akin ni Prince Jing. Ano naman ang mapapala nila? Pera? Kaasikatan? Heh~ kung hindi naman dahil kay Prince Jing hindi naman sila makakarating sa kinauupuan nila ngayon." Iba't ibang kwento at opinyon ang binabahagi ng mga sundalo at may iilan na nagtataka kung paano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD