Nang magpatawag si Lin Jing ay kaagad na nagsipuntahan ang mga opisyales na nakadistino sa kampo. Opisyales man ay wala silang kaalam alam sa pakikipaglaban. Ang tanging dahilan lamang kaya sila hinahayaan ni Lin Jing na manatili sa kampo ay dahil sa kakayahan nilang mag-isip. Totoo na kahit na gaano kalakas si Lin Jing at katalino kung wala naman siyang katuwang sa pag-iisip ay hindi siya makakabuo ng plano na magbibigay sa kanila ng panalo. Masaya silang makita si Lin Jing at ang dalawang L ngunit nang makita nila na bukod sa kanila ay may ibang tao na makikinig sa usapan ay kaagad na nagbago ang ihip ng hangin. Kaagad nila binigyan ng pagkadismaya si Lin Jing dahil sa hinayaan niya ang mag estudyante na makinig sa usapan nilang pribado. Nahalata rin naman kaagad ni Li Muen ang hin