Sa kabilang banda naman ay tumakbo nang tumakbo si Li Muen dahil sa ramdam niya na may humahabol sa kaniya. Alam niya na hindi niya ito kayang labanan kahit na ibigay pa niya ang lahat ng lakas niya kaya naman napag-isip isip na lamang ni Li Muen na magtago sa kaniyang system. ‘Ah s**t! Bakit ba ang bilis ng taong iyon na tumakbo? Gumagamit ba iyon ng qigong ha?!’ natatarantang sambit ni Li Muen sa kaniyang isipan. Nang maramdaman na ni Li Muen na ilang metro na lamang ay makikita na siya ng taong humahabo sa kaniya ay kaagad naman niyang hinubad ang kaniyang cape at saka siya pumasok sa kaniyang system. Nakita ng lalaking humahabol kay Li Muen ang cape na bumagsak sa bangin kaya naman kaagad niya itong tiningnan at napayukom siya ng kamao nang makita niya na ang cape lamang ang buma