Makalipas ang dalawampu’t siyam na gabi at tatlongpung araw ay naghahanda na si Li Muen na makauwi sa kanilang mansyon. Malapit na ang kaniyang pag-uwi kaya naman lahat ay pinapaalala niya kina Anguel. Hindi niya masabi ang lahat ngunit binigay ni Li Muen ang isang lugar kung saan niya kikitain ang isa sa magkakapatid upang makausap tungkol sa kaniyang shop. Sa mga nagdaang araw rin ay tinuruan ni Zhuen si Anguel na mag-patakbo ng shop ni Li Muen kung saan siya na ang magtitingin ng lahat ng kailangan sa shop. Siya rin ang magbibigay ng utos sa mga kapatid niya sa kung ano ang mga pwedeng gawin at siya rin ang may Karapatan upang magdesisyon kung ano ang tama at mali para sa shop. Dahil sa utang na loob na tinatanaw niya kay Li Muen at dahil na rin sa paghanga na nararamdaman niya para