Sampung araw na ang nakalipas at bali-balita sa buong Xidi Kingdom ang nangyari sa Bai Family. Ganoon pa man, ito ay isa lamang isyu at wala pang nagpapatutunay tungkol dito. Dahil sa problemang ito ay napabayaan ng Bai ang kanilang pagpapabagsak sa ilang mga negosyo ng Li Family. Masyado silang abala sa pinaka malaking problema na dala nila. “Hindi pa ito ang huli,” bulong ni Li Muen sa kaniyang sarili habang nakatingin sa papel na may nakaulat patungkol sa nangyayari sa mga Bai. “Hindi pa ako tapos,” dagdag nito. Kung sino man ang makakakita kay Li Muen sa mga oras na iyon ay siguradong sasabihin nila na hindi iyon si Li Muen. Ang maamong mukha ni Li Muen ay puno ng pagnanasa na pumatay, ang mukhang hindi nila aakalain na papatay ay nagpapakita ng ganoong emosyon. “Miss?” Dinig ni L