"Good morning!" masayang bati ko sa umagang kay ganda kasabay nang pag-inat ng mga braso at mga hita ko. Kay ganda talaga ng gising ko sa umagang ito! "Good morning, Bonbon ko!" bati ko rin kay Bonbon na kay ganda rin nang pagkakahilata sa paanan ko. Kaagad namang kumawag-kawag ang buntot niya at dinilaan ang mga paa ko! Napakagaling naman talaga ng asong 'to, eh. Pakama-kama pa ng higaan. Maghapon akong masaya at nakangiti. Mamayang gabi pa ang pasok ko kaya nagpahila-hilata na lang muna ako buong maghapon. "Anong nangyari sa inyo kagabi, Nancy? Saan kayo pumunta?" tanong ni mama na ngayon ay nasa loob ng tindahan. Ako naman ay nakahilata sa sofa habang nanonood ng korean novela sa t.v. Sasabihin ko ba? "Ahm ... Ma. Nagkita na po kami kagabi ni Prince ko," sagot ko bago ako nanahi