"For my most beautiful princess," nakangiti niyang sabi habang iniaabot niya sa akin ang mga bulaklak na nakapatong sa mesa. "Thank you, my Prince," nakangiti ko rin namang sagot sa kanya kasabay nang pagtanggap ko sa mga bulaklak na pakiramdam ko ay kasinggaganda ko. Mas lumawak naman ang pagkakangiti niya habang nakatitig sa akin. Inalalayan niya akong makaupo sa isang silya. Ang isa pang silya ay inilapit niya sa akin bago siya naupo at masaya kaming nagsalo sa pagkain. Samantala, si Bonbon ay hindi pa rin mapakali sa panghaharot niya sa amin. Tuwang-tuwa din siyang makita si prince ko at nalaman kong sa kanya pala ito nanggaling! Ipinadala niya sa akin bilang regalo niya at pansamantala kong makakasama habang hindi pa kami nagkakasama. Buong oras kaming nakangiti at para bang a