"Sasamahan kita magpa-checkup bukas, ha. Huwag ka na munang pumasok. Makakasama sa baby 'yan. Kailangan mong magpahinga," ani Zyra habang nasa likod ko siya at nakayakap sa baywang ko. Naglalakad na kami nang dahan-dahan lang dito sa labas ng restaurant. Tumango naman ako sa kanya at wala sa sariling napahawak sa tiyan kong impis pa naman. Ibang saya ang nararamdaman ko ngayon. Kahit hindi pa naman sigurado na buntis ako, pero alam ko sa sarili ko. Nararamdaman kong may buhay na sanggol na ngayon sa loob ng sinapupunan ko. Baby ko. Mas lalo akong nag-asam na makita kaagad ang ama ng baby na nasa loob ko. Kailangan ko na siyang makita sa lalong madaling panahon. Kailangan ka namin ng magiging anak natin, Mahal na Prinsipe. Ramdam ko ang paghagod ng mga palad ni Zyra sa aking likod. U