Nancy Hinang-hina ang aking katawan. Sumasakit ang ulo ko. Hindi ako makakilos. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasaan ako? Nilingon ko ang buong paligid. Isang lumang kwarto ang bumungad sa akin—hindi kalakihan, parang dating opisina, ngunit wala nang mga gamit. "Hmmp!" pilit kong sigaw nang makita ko si Zyra sa isang sulok ng kwartong ito, walang malay at nakalugmok sa sahig. Na-realize kong nakatali pala ang bibig ko ng tela na paikot, at ang mga kamay ko ay nakagapos sa likod. Ganun din ang mga paa ko! "Hmmp!!" pilit kong sigaw kahit walang boses na lumabas sa akin upang magising siya. Hindi naman siya kalayuan sa kinaroroonan ko, pero hindi ko pa rin siya maaabot. Nakatali din ang mga kamay at paa niya, katulad sa akin. Ganun din ang kanyang bibig. Gusto ko sanang