MAGKAHARAP si Louie at Aling Rosa. Nanatiling naroon si Vince, sa kanilang tabi. Hiniling ni Louie na ‘wag siyang iiwanan nito. Kaya haharapin ni Louie ang kanyang ina dahil sa huling sinabi ni Vince, nang nagtatalo sila sa loob ng kanyang penthouse. Maaaring tama ang kanyang kaibigan. Baka nasa tamang oras at panahon siya para makasama na niya ang dalawang babaeng mahalaga sa kanya. Ayaw na niyang sayangin ito. Handa na siyang makinig sa kung ano man na paliwanag ang sasabihin ng kanyang ina. Napaka-awkward lang nilang pagmasdan dahil na rin siguro sa matagal na panahon na lumipas na hindi sila nagkikita. “Ehem!” parinig ni Vince. Sobrang tahimik kasi nila. Kumurap ang mga mata ni Aling Rosa dahil pinipigilan nito ang kanyang luha. Hindi naman alam ni Louie kung ano ang kanyang sasabihin