MALAKI ang pagbabago sa itsura ni Aling Rosa nang naging maayos ang kanyang pananamit at nagkaroon ng kulay ang kanyang mukha. Para na siyang isang Donya. Wala naman itong suot na maraming alahas, sadyang lumabas lang ang natural nitong pagiging elegante. Habang patuloy na inaayusan si Aling Rosa ng tauhan ni Louie, lumapit si Vince kay Louie. Inilayo niyo muna ito sa kanyang ina. Lumabas lang sila sa may balcony ng penthouse. “Why?” reklamo ni Louie. “Hindi mo ba sasabihin kina Tita Cecilia at Tito Nestor na natagpuan na natin si Mikaela. Pati na rin kina Lily at Ruth?” “Hhhmm… minsan gamit mo ang utak mo, minsan naman hindi,” panunukso ni Louie. Nagdikit ang kilay ni Vince. “Hey, what do you mean? Of course! Kailangan din nila agad malaman. May karapatan din sila,” panunumbat ni Vin