TATLONG araw na ang lumipas, simula nang umalis si Louie sa bahay-ampunan. Walang ginawa si Mikaela kung hindi umupo sa may hardin at abangan ang pagdating ng binata. Ngunit, lagi siyang bigo sa mga araw na nagdaan. “Pinaasa mo lang kami. Pinaasa mo lang ako. Pinaasa mo lang ang mga bata. Hindi ka na dapat namin nakilala,” bulong ng isipan ni Mikaela habang gumigilid na ang kanyang luha sa mata. Sinakmal niya ang kanyang paldang suot at nagmadali siyang tumayo. Nagdabog-dabog ang kanyang mga paa sa may lupa. Subalit sa kanyang paglingon sa may gate, isang kotse na kulay itim ang tumigil. Pinunasan kaagad ni Mikaela ang nabuong luha sa kanyang mga mata. Nabuhay ang pag-asa sa kanyang puso at baka sakaling ang kanyang matagal na hinihintay ay magpapakita na. Hindi naman nagkamali ang paki