"Do you want a massage?" tanong ni Jetro pag-upo ko sa backseat ng sasakyan katabi niya. Masakit talaga ang katawan ko. Alas-tres lang ng hapon at katatapos lang ng shoot. Amd thanks God, it went well. Mukhang ang meeting lang ang pinunta din niya sa opisina. Hindi ko inaasahan na sunduin niya ako. "Kanino? Ikaw? Huwag na, baka lumala pa," tugon ko bago dahan-dahang sumandal sa backrest. Thank God, natapos din ang araw. Sinimangutan niya ako. "I will book a home service massage therapist." Dinikitan niya ako at pinasandal ako sa kaniyang balikat. "I dont need a massage therapists, baby. Mas kailangan ko nang manghihilot." Pakiramdam ko napilayan ako. Tumango siya. "Sige, magtatanong-tanong ako kung sino ang may kilalang manghihilot." Pagdating namin sa condo, nadatnan namin si