Nag-landing sa malawak na bakuran ng mansyon ng mga magulang ni Jetro ang chopper na sinakyan namin. Dito na kami dumiretso dahil nandito si Ela. Alam nila ang pagdating namin, sa katunayan ay naghihintay sa kanilang bakuran ang buong pamilya. "Mommy! Daddy!" tili ni Ela habang tumatakbo upang salubungin kami. Malalaki naman ang hakbang ni Jetro na sinalubong ang anak. Kinarga niya ito at niyakap, sabay ng pagpapaulan ng matunog na halik sa pisngi ng tuwang-tuwang si Ela. Hindi ko magawang magmadaling lumapit sa kanila dahil masakit ang aking katawan. Nasobrahan kami sa pag-e-explore at pagiging adventurous. Gumulong ako sa gilid ng burol. Mabuti at hindi ako natuluyan. Nakakahiya sana ang cause of death ko. Humalik ako sa pisngi ng aking anak nang makalapit ako sa kanila. Gus