Umilag ako nang tangkain niya akong halikan sa labi. "Maligo ka muna," utos ko sa kaniya. Naiirita ako sa kaniyang bigote at balbas na hinayaan niyang tumubo sa nagdaang tatlong araw. "Kiss muna..." Lumayo ako sa kaniya. Nagkandahaba-haba na ang kaniyang nguso. "Ang pangit mo," natatawang sabi ko. "What?!" Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Am I not handsome in your eyes anymore? At sino na ang guwapo para sa'yo ang Bjorn na iyon?" Mukhang magiging parte na sa usapan namin si Bjorn habang buhay. Hindi ko inakala na pati panaginip seseryosohin pa niya. "Ang pangit nga na may bigote at balbas ka. Okay lang sana kung well trimmed. You look manly with that. But I won't allow you to kiss me. Nanunusok, e," reklamo ko. Pero ang totoo, talagang napapangitan ako sa itsura