"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Nanatili siyang nakayakap sa akin at para bang walang balak bumitaw. Tinutulak ko siya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.. "I came to see you. I came to apologize," tugon niya. Bumuntong hininga ako. Mukhang naliwanagan siya nang narinig niya ang pinag-uusapan nina Chloe at Shaine noong Biyernes ng gabi sa bar. Hindi ako umimik. Hinihintay ko pa ang susunod niyang sabihin pero hindi na siya muling nagsalita. Yakap pa din niya ako ng mahigpit. Nakakainis. Hindi man lang ba siya magpapaliwanag? Hindi man lang ba niya sasabihin na nagselos siya kaya niya ginawa iyon. Huminga ako ng malalim. "Hindi ako makahinga," reklamo ko. Niluwagan niya ang pagkakayakap niya sa akin pero hindi pa din ako binibitawan. "Sorry na..." Um