"Ibang level ka na talaga!" Niyakap ako ni Almira at Mimi. Kakatapos ko lang kasing pumirma ng kontrata para sa isang tv commercial. May kumuha sa akin bilang endorser. Thanks to Almira and Alex. Sila ang tumulong sa akin sa project na ito. Matagal din kaming naghintay sa desisyon ng CEO ng brand na ito, pero sobrang worth it naman. Kapag hindi busy ang mga kaibigan ko, sinasamahan nila ako sa mga lakad ko. Sobrang thankful ako dahil may mga mabubuti akong kaibigan. Kung wala sila na nag-ga-guide sa akin, hindi ko mararating ito. Magiging boring din siguro ang stay ko dito sa siyudad at baka piliin ko na lang bumalik sa probinsya. "Mag-celebrate tayo," aya ni Almira. "Huwag ka ng tumanggi. Hindi ka naman napagod ngayon kaya wala kang puwedeng idahilan sa amin," hirit din ni Mimi.