Sa ibang condo niya kami dinala. Hindi ito ang condo niya na ginawa naming lungga ilang taon na ang nakakaraan. Sa pagkakaalam ko hindi din nila pagmamay-ari ang building na 'to. "I bought this a day before our wedding," sabi niya kahit hindi naman ako nagtatanong. Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung dapat ba na mata-touch ba ako sa sinabi niya dahil nainis lang ako lalo sa kaniya. This only show what a jerk he is. Ang lamig ng pakikitungo niya noon sa akin tapos ngayon sasabihin niya na bumili siya ng condo para sa amin. Like he was so excited to marry me. Kung hindi lang namin kasama si Ela baka kung ano ang nagawa ko o kaya nasabi ko sa kaniya. "Sorry..." bulong niya nang mapansin na sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Maybe he realize what he had said and done b