45

3104 Words

"NAKILALA ko si Lia noong kakarating lang niya ng US," kuwento ni Scarlet. Narito kami ngayon sa restaurant. Kasama namin sina nanay at ang mga kaibigan namin. Magkatabi kami ni Jetro habang si Ela naman ay nakaupo sa high chair sa gilid niya. "She was very emotional that day. 'Yun din ang time na nalaman niyang buntis siya kaya hindi siya nakapasa sa modeling agency," dugtong pa niya. Huminga ng malalim si Jetro. "She's a fighter." Ngumiti si Scarlet. "Alam mo bang tatlo hanggang apat ang trabaho niyan sa isang araw." Napatingin sa akin si Jetro. Habang sa plato lang ako nakatingin dahil hindi ako komportable sa usapan. "Don't worry. Hindi naman namin siya pinabayaan. Nahulog agad ang loob namin sa kaniya. Ako, si Tita at lalong-lalo na ang kuya ko na handang maging ama ni Ela,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD