AFTER two days of photo shoot out of town ay dumalo ako sa isang event. Isa itong fashion show for a cause. Ang kalahati sa kikitain ay mapupunta sa charity. Kasama sa mga sponsor sa event na ito ay sina Ate Tasha, Pau at Scarlet. Kanina lang nila ako sinabihan tungkol dito. Ni hindi man lang ako nakasama sa rehearsal. "Kaya mo 'yan. Para saan pa't naging one of the highest paid model ka," sabi nila bago umalis ng back stage. Nasa labindalawang modelo kaming lahat. At ako ang huling rarampa. Huminga ako nang malalim bago sinimulang humakbang nang ibigay ng staff ang go signal. Nagsipalakpakan ang lahat ng makarating ako sa gitnang bahagi ng runway. Tumigil ako saglit para umikot ng dalawang beses at nang magsimula na ulit akong humakbang papuntang dulo ay siya namang paglitaw ni