Nakangiti si nanay habang nakikinig sa kuwento ni Almira tungkol sa nangyari kagabi partikular sa mga linya na binitawan nito bago umalis. Ilang beses na itong inuulit ni Almira kaya nakakairita na. Ang nakakainis tinuturo pa niya ito kay Ela para inisin ako. Sige lang, makakabawi din ako sa'yo. "Mahal ka niya talaga, Anak. Biruin mo tanggap niya kahit may anak ka. Sabihin mo na sa kaniya ang tungkol kay Ela. Na siya ang ama ng anak mo." Masama pa din ang loob ko dahil sa nangyari noon sa party. Plano ko naman na sanang sabihin nu'n kaso sa ginawa ni Mrs. De Gracia sa akin nagbago ang isip ko lalo na at parang hindi man lang ako kayang ipagtanggol ni Jetro sa kaniyang ina. Nasaktan ako sa sampal at mga pinagsasabi niya. Ayaw ko mang idamay si Ela sa galit ko sa kanila, pero sa nga