Hindi na napansin ni Ela ang pagdating namin ni Ed dahil abala siya sa pakikipaglaro sa kaniyang mga pinsan. Sina Nanay, Ate Tasha at Kuya Adrian ay taas kilay na tumingin sa amin ni Ed. Ngumiti ako at pinakilala si Ed sa kanila. Sinabi ko na isa siya sa mga tumulong sa amin ni Ela sa US. Niyakap siya ni nanay at pinasalamatan. Si Kuya Adrian at Ate Tasha naman ay kita ko ang pasimpleng pagbubulungan nila kaya pinanliitan ko sila ng mga mata. "Daddy!" tuwang-tuwa na tawag ni Ela kay Ed nang sa wakas ay mapansin niya. Nauna pa talaga niya itong nilapitan kaysa sa akin na ina niya. Kinarga siya ni Ed at pinaghahalikan sa pisngi. Panay naman ang hagikgik ni Ela, nagawa pa niyang kilitiin ang leeg ni Ed. Hindi ko ma-explain ang itsura ni nanay habang nakatingin sa kanila. May ngit