"Ate, napatawag ka?" Kasalukuyan kong pinapakain si Ela. "Kaaalis lang ni Jetro, galing na naman siya dito," tugon ni Ate mula sa kabilang linya. Wala ba talagang planong tumigil ang lalakeng iyon? "May mga dala siya para sa'yo. Bulaklak, chocolate at may pagkain pa. Hindi ko alam na marunong palang magluto ang isang iyon." Baka pinaluto lang niya sa cook nila. "Ano ba naman iyan, wala ka man lang bang sasabihin?" "Alam mo naman Ate na hangga't maari ayaw ko na talaga pang makita pa siya." "Kung puwede lang sana, no, kaso ang liit ng mundo, Lia. Nagpaalam siya na aalis daw siya. May aasikasuhin daw siya sa Cebu kaya walang mangungulit sa'yo ng ilang araw. Mamimis ka daw niya." "Sinabi niya lahat ng iyon? Ate, pinagloloko mo na naman ako." "Sinabi nga niya iyon. Sabi niy