Ginugol ko ang aking maghapon sa condo ni Almira kasama sina nanay at Ela. Sa mga susunod na araw ay mas magiging abala na ako, kaya susulitin ko na ang araw na 'to para makasama ang aking anak. Nagbago na ang isip ko tungkol sa pagkuha ng bahay na sinasabi ni Bjorn. Baka kumuha na lang ako ng isang unit dito pansamantala. Sabi ni Almira ay may bakante daw sa palapag na 'to. "Kailan mo sasabihin kay Jetro ang tungkol sa anak niyo?" tanong ni nanay. "Alam kong nasaktan ka ng husto. Hindi ka naman aalis kung hindi. Anak kita at nauunawaan ko ang damdamin mo. Sino ba naman ang ina na nanaising masaktan ang anak niya." Huminga siya ng malalim bago niya hinawakan ang aking kamay. "Isa ka na ding ina ngayon, Lia. Hindi na lang sarili mo ang dapat mong alalahanin. Kung hindi na talaga