"Sa'n ka?" tanong ni Mimi ng makapasok na kami sa loob ng club. Luminga-linga ako at sakto namang nakita ko si Bjorn sa gawing kaliwa. Malapit lang siya sa couch na nilapitan ni Lj. Du'n na ako bago pa ako maunahan. Sure buyer na 'yan. "Nakita ko si Bjorn, du'n na ako," sagot ko habang nakaturo sa gawing iyon. Tumango naman si Mimi sa akin. Kumaway siya at naglakad na papuntang kanan na bahagi ng club. "Hi," bati ko nang makalapit ako kay Bjorn. May kasama siyang dalawang lalake. Kapwa nakasuot ng business attire. Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Bjorn nang makita niya ako. "Hey," bati din niya, bago siya tumayo at tangkaing lapitan ako. Alam ko ang plano niyang gawin kaya naman umatras ako. Bebeso na naman siya, e. Nasa trabaho ako. At saka baka mamaya ma-mis interpret ng mga makakit