Kinulong niya ako sa kaniyang mga bisig habang patuloy sa paghagod sa aking labi ang kaniyang mapupulang mga labi. Masama ang loob ko kaya iniwasan ko ang kaniyang mga halik. Huwag kang marupok! sigaw ng aking isip. Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa kinaroroonan namin. Hindi malabong mga bisita sa kasal nina Kuya Adrian at Ate Tasha ang mga iyon dahil nirentahan ni Kuya Adrian ang buong hotel at resort. Tumanggi akong tanggapin ang maalab niyang halik kahit pa nanlalambot na ang aking mga tuhod. Tinutulak ko siya gamit ang nanginginig kong kamay. Kaunti na lang, bibigay na ako. "Tumigil ka nga," reklamo ko. "Jetro, may tao," sabi ko habang pilit ko pa ding iniiwas ang aking mukha. Sa halip na bitawan ako ay marahan niya akong tinulak papasok ng restroom. Sinandal niya ak