Mula nung kasal nina Ate ay hindi pa ako tine-text ni Jetro. Maya't maya akong tumitingin sa cp ko para i-check kung may text siya pero wala talaga. Bumuntong hininga ako. Huwebes na ngayon. Ilang araw na ang nakalipas. Mukhang napasubo lang siyang um-oo noon at ngayon ay nagbago na ang isip niya. "Next! Ipatong mo ang isang paa mo sa box at kunwari inaayos mo ang sintas ng sandals mo," utos sa akin ng photographer. Nandito ako sa trabaho pero ang diwa ko ay naglalakbay na naman kung saan. Nilapitan ko ang box at inapak ko doon ang kaliwang paa ko. Bahagya akong yumuko at hinawakan ang sintas ng suot kong gladiator sandals. Photo shoot ito ng mga sandals na for export. Hinahabol nila ang photoshoot dahil sa end of the month ay magkakaro'n sila ng fashion show. Kaya laking pasalamat