"Fine," pagsuko ni Bjorn, habang naiiling. Muli niyang nilibot ang tingin sa buong apartment, pagkatapos ay binalik sa aking tiyan ang kaniyang tingin. "Ahm... Kumain ka na ba? Gusto mong kumain?" tanong ko nang hindi makatingin sa kaniya dahil sa pagkailang. "I'm fine. Gusto ko lang maupo sana muna kung puwede," nakanguso niyang tugon sabay turo sa couch. Ngumiti ako at tumango. "Coffee, gusto mo?" alok ko para mawala ang pagkailang sa pagitan naming dalawa. "I would love that. Thanks," nakangiti niyang sambit bago komportableng naupo sa couch. Nag-init na din muna ako ng tubig dahil ubos na pala ang hot water sa aking thermos. "Kumusta ka naman dito? Hindi ka ba nahihirapan?" Saglit kong siyang nilingon. "Ayos lang naman ako," nakangiti kong tugon para ipakita na ayos lang