Hindi ko tinapos ang isang linggo na bakasyon sa probinsya dahil maayos naman si Nanay —hindi gaya ng inaasahan ko na dadatnan ko siyang may sakit at mahina. Pero para makasigiro ay pina-check up ko pa din siya. Matanda na siya kaya kailangang bantayan ng maigi ang kaniyang health. Wala namang naging problema sa check up ni nanay kaya agad na kaming lumuwas. Maghahanap din kasi ako bibilhing bahay o condo para may matirhan kami sa Manila. Pansamantala ay sa bahay muna nina Ate Tasha at Kuya Adrian kami tutuloy. Ang bahay nila na tinirhan ko noon ay na-renovate na daw at pinagawang paupahan — at wala na ding bakante. In-offer ni Ate Tasha ang bahay nila kaysa mag-stay daw kami sa hotel. Mainam din iyon para makapag-bonding sina Ela at mga pinsan niya — mga anak ni Ate Tasha. Less