Hatinggabi na at halos kakarating ko lang ng bahay galing sa trabaho. Tulog na si Ela at kakaalis lang din ng nagbabantay sa kaniya. Malapit lang naman ang bahay nito. Nasa dalawang kanto lang ang layo mula dito sa bahay. Nakapaglinis na ako ng katawan at naglalagay na ng skincare ng makatanggap ako ng tawag mula kay nanay. "Hello, 'nay, kumusta po?" tanong ko. Tatlong araw din akong naging busy kaya ngayon ko na lang ulit siya nakausap. Sinuot ko ang headset para maituloy ko ang aking ginagawa habang kausap si nanay. Nagpahid ako ng moisturizer sa aking mukha. "Anak, heto, hindi ko alam kung magkikita pa tayo," tugon niya na kinabigla ko. "'Nay, naman..." Bumuntong hininga ako. Tinakpan ko ang tub ng ginamit kong cream bago tumayo. Sinulyapan ko ang anak kong mahimbing ang tulo