"Five hundred thousand dollars!" sigaw ng isang ginang na kinamangha ko. Napatingin ako kay Pau na nasa sulok ng hall - awang ang mga labi sa pagkakagulat. "Five hundred fifty thousand dollars!" sigaw naman ng isa pang Ginang. Para akong maiiyak ngayon dito sa stage. Suot ko ang blouse na kasalukuyang sinusubasta. Isa itong read crochet top na mayroong clear 100 clear quartz crystal. Gumawa ako ng mga crochet na sweater para sa amin nina Auntie Erlin, Ed, Bjorn, Scarlet at sa amin ni Ela noong pasko. Dito pumasok ang ideya kay Pau na gumawa ako ng crochet blouse na yari sa mamahaling mga materyales papalamutian niya ng mga clear quartz crystals. Ang goal lang talaga namin ay mabenta ito at tumubo ng kaunti. Pero ngayon, nandito kami sa isang bidding -uuwing mayaman. Nakakalul