Pagkagising ko ay madilim na sa labas. Wala na din si Jetro sa aking tabi. May iniwan siyang note sa mesa na nagsasabing may meeting pa siya at baka late night na ito matapos. Siya na daw ang magpapa-deliver ng pagkain dito sa suite. Kumain na lang din daw ako mag-isa. "Huwag ka ng lumabas, magpahinga ka na lang muna," bilin niya sa hulian ng kaniyang sulat. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kaniyang sulat kamay. Alam kong fvck buddy lang ang usapan namin pero hindi ko mapigilang kiligin at mag-assume tungkol sa anumang namamagitan sa amin, dahil sa pinapakita niya at pinaparamdam sa akin. May suot na din akong damit, sa pagkakatanda ko pagkatapos ng mangyari sa amin kanina ay agad niya akong hiniga sa kama at agad nakatulog. Sinuot niya sa akin ang polo long sleeve na suot n