Halos kakaidlip ko pa lang nang magising ako dahil sa boses ni Jetro na may kausap sa kaniyang celphone. Nasa gilid ito ng kama at seryoso ang kaniyang mukha. Napasulyap siya sa akin ng mapansin na nagising ako. "I need to go to Davao," sabi niya sa akin pagkababa ng tawag. "Ilang araw ka doon?" inaantok kong tanong. Alas-tres pa lang ng madaling araw. Inaantok pa ako at mabigat ang aking katawan dahil sa makailang beses na pag-angkin niya sa akin. "Two to three days," tugon niya habang tutok na tutok sa akin ang kaniyang mga mata. Three days. "Akala ko ba akin ka ng isang linggo?" malungkot kong tanong. Nangako siya sa akin, e. "Yeah, I did say that. I'm sorry, this is really urgent," tugon niya ng hindi inaalis sa akin ang kaniyang pagtitig. Hindi ako umimik. Wala naman ako