“MAMA, ang dami naman po ninyong niluluto,” puna pa ni Fey sa kaniyang pagluluto. Nginitian niya ang kaniyang anak. “Mga paborito ninyo, anak.” “Ang bango-bango po ng amoy, mama,” segunda pa ni Gerold na nakasunod kay Fey. “Gutom na nga po ako, mama, eh,” reklamo pa ni Gabby na may paghimas pa sa tiyan. Napaka-cu-cute talaga ng mga anak nila ni Gavin. Mamaya lang, makikilala na ni Gavin ang mga ito. “Mayamaya lang kakain na rin tayo. Doon na kayo sa may salas at baka pawisan pa kayo rito sa kusina.” Sa may dirty kitchen, sa likod bahay kasi siya nagluluto. “Mama, okay na po ‘yong lamesa. Magtitimpla po ba ako ng juice?” tanong naman ni Charlotte. “Yehey! May juice!” tuwang-tuwa pang cheer ng triplets pagkarinig sa sinabi ni Charlotte na ikinatawa pa nila. “Opo, may juice po mamaya