MAGING si Ferlyn ay halos mapigil ang paghinga nang buksan niya ang pinto ng kaniyang bahay dahil sa munting kaba na hindi pa rin maalis sa kaniyang dibdib. Sa may munting salas ay bakas sa mukha ng mga bata ang paghihintay sa kanila. Si Charlotte ang unang ngumiti kay Gavin. Kahit paano, gumaan ang atmosphere sa loob ng bahay nila. Magkatabi sila ni Gavin na tumayo sa harapan ng apat na bata. Nang sandali niyang sulyapan si Gavin ay bakas sa mga mata nito ang pangingislap dahil sa luha. Habang ang mga mata ay hindi inaalis sa mukha ng kanilang mga anak. Huminga muna nang malalim si Ferlyn bago nagawang magsalita. Humawak pa siya sa braso ni Gavin. “Mga anak, tanda ninyo siya, ‘di ba?” panimula ni Ferlyn na tinanguan ng mga ito. “Mama, siya rin po ‘yong nagbigay sa amin ng chocolates,